Documents of Final Demonstration Teaching
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhqAPXxjc83VdYfHrOjIXvW6O7M8iwoFg5PhaGkN4Shg1x5wcPoVPG7KRqVS_uBc81ovXKhn9aJzeEGYImdnNEIoNdnMEmTxUwYT1rbAccT2oF662Om5dLGK5SwevooQSpNt-4caVZwoTI/s200/COED.png)
Sta. Monica
National High School
Masusing
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 9
Ekonomiks
Ika- 20 ng
Nobyembre, 2017
I.
Layunin
Sa
pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.
naipaliliwanag ang konsepto ng patakarang pananalapi;
b.
napahahalagahan ang mga bangko at paglago ng ekonomiya sa ating bansa; at
c.
nakabubuo ng sariling pamagat ayon sa nasuring larawan.
II.
Nilalaman
a.
Paksa: Patakarang Pananalapi
b.
Sanggunian: Batayang Aklat sa Ekonomiks 9 (Modyul ng Mag-aaral) Balitao, B.,
Cruz
N,. Rillo J. et.al.,304-314
c.
Kagamitan: Kagamitang biswal, batayang aklat, speaker, laptop, projector at mga
larawan
III.
Pamamaraan:
Gawain ng Guro
|
Gawain ng
Mag-aaral
|
A. Pang
araw-araw na Gawain
1. Panalangin
|
Magdarasal
|
2. Pagbati
Magandang Umaga Grade 9- Noah!
|
Magandang Umaga din po Ma’am Denice!
|
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo ay siguruhing walang
kalat sa paligid at iayos ang inyong mga upuan.
4.
Pagtala ng Liban
Monitor, mayroon bang lumiban sa ating
klase ngayon?
|
Wala po Ma’am
|
4.
Balik-aral
Word Tuklas
Panuto: Naghanda ang guro ng mga salita
at tutukuyin ito ng mga mag-aaral kung
ito ay para sa Expansionary Fiscal Policy at sa Contractionary Fiscal Policy.
Ipapaskil sa pisara at itatapat ang tamang sagot na salita na nakuha ng
mag-aaral.
Expansionary
Fiscal Policy
·
Pagbili ng maraming kalakal at
paglilingkod ng pamahalaan
·
Pagbabawas sa ibinabayad na buwis
·
Pagdagdag ng gastos ng pamahalaan
·
Naglalayong mapataas ang output ng
ekonomiya
Contractionary
Fiscal Policy
·
Naglalayong pababain ang output ng
ekonomiya
·
Pagpapataas ng singil ng buwis
·
Binabawasan ng pamahalaan ang gastusin
upang mapabagal ang pagsulong ng ekonomiya.
·
Nagbubunga ng pagbaba ng demand.
|
(ipapaskil
ang tamang sagot sa pisara)
|
B.
Pagganyak
Gawain ng Guro
|
Gawain ng
Mag-aaral
|
B.
Pagganyak
Panuto:
Ipakikinig ang awit na “Mukha ng pera”
ng The Youth.
1. ano ang mensahing ipinababatid ng awitin?
2. gaano nga ba kahalaga ang pera sa tao?
Tama!
Kung gaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera mo ay ganito din ito
kahalaga sa ating bansa. Ang ganitong pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay
hindi na kayang gampanan ng pamahalaan kung nag-iisa lamang. Kaya kailangan nito ay ang
patakaran sa pananalapi.
Sa
araw na ito sa tingin nyo tungkol saan ang paksang ating tatalakayin ngayon?
Tama!
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa patakarang pananalapi.
|
1.
Opo.
2.
Dahil ito po ang ginagamit natin pamalit upang makabili ng mga pag-kain o
kahit ano pa mang bagay ma’am.
Ma’am sa tingin ko po ang ating
tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa Patakarang pananalapi.
|
C.
Paglalahad/Talakayan
Gawain ng Guro
|
Gawain ng
Mag-aaral
|
Base sa napakinggan ninyo, ngayon naman
ay malalaman niyo kung ano nga ba ang mga tungkulin o kahulugan ng Patakarang
Pananalapi. Ito ay sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain. Handa na ba ang
lahat?
Hahatiin ko sa apat na pangkat ang klase.
Ang bawat pangkat ay ibibilog ang upuan. Pipili ng lider ang bawat pangkat na
pupunta sa harapan upang bumunot ng paksa na kanilang tatalakayin. Bibigyan
ng sampung minuto ang bawat pangkat upang maghanda at tig-limang minuto naman
para sa pag-uulat.
Ang
mga paksang tatalakayin ay ang mga sumusunod:
Unang
Grupo: Ang konsepto ng Pera
Ikalawang
Grupo: Pag-iimpok at Pamumuhunan
Ikatlong
Grupo: Mga Institusyong Bangko
Ikaapat
na Grupo: Mga Institusyong Di- Bangko.
Magaling!
Bigyan ng palakpak ang unang pangkat sa kanilang naging presentasyon.
Nais
ko lang magdagdag ng kaunting impormasyon.
Ang salapi ay mahalagang bahagi sa
buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa rito ay isang malaking hamon sa lahat ng
bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay maaaring magdulot ng kasaganahan
o suliranin sa mga mamamayan. Dahil dito, ang pag-iingat at matalinong
pamamahala ay kinakailangan upang masiguro na ang bilang ng salapi sa
ekonomiya ay magiging kasangkapan upang mapanatili ang kaayusan.
Mahusay!
Bigyan ng palakpak ang ikalawang grupo.
Ang Pag-iimpok ay isang mahalagang
indikasyon ng malusog na ekonomiya. Ang Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang
pag-iimpok sa Pilipinas. Ayon sa kanila, kapag maraming mamamayan ang
natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat na mamumuhunan sa
Pilipinas dahil saligan matatag na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok.
Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring
mahalagang salik sa ating bansa. Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa,
ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas
maraming negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming mamamayan ang
magkakaroon ng kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Magaling!
Bigyan ng palakpak ang Ikatlong grupo.
Ang mga Institusyong bangko ay may
kinabibilangan na mga pinauutang ito ay ang mga negosyanteng nangangailangan
ng puhunan upang mapalago ang kanilang negosyo at may mga naging dahilan
naman ito ng paglago ng ekonomiya ito nga ay ang mga uri ng Bangko.
Commercial
Banks-
Ang Commercial Banks ay maari ding tumatanggap at magbigay ng letter of
credit at iba pang instrumento ng kredito na malaki ang naitutulong sa
patuloy na pag-unlad ng mga negosyo.
Thrift Banks- Ang Thrift
Banks ay pinapayagan ding magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng
pagbili ng mga ito ng mga government securities.
Rural Banks- ito yung mga bangko malayo sa Kalakhang Maynila na tumutulong sa mga
magsasaka o sa maliliit na negosyante.
Land Bank of
the Philippines (LBP)- Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa
kanilang pangangailangan sa puhunan.
Development
Bank of the Philippines (DBP)- Prayoridad ng DBP ang mga small and medium
scale industry. Malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa
bangkong ito.
Al-Amanah
Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)- Ang Al-Amanah
ay may walong(8) sangay. Lahat ng sangay ng nasabing bangko ay matatagpuan sa Mindanao. Ang Zamboanga City samantalang
ang pitong (7) sangay nito ay matatagpuan sa lungsod ng Cagayan de Oro,
Davao, General Santos, Marawi, Iligan At Cotabato; at sa isla ng Jolo.
Magaling!
Bigyan ng palakpak ang Ikaapat na grupo.
Nagagalak ako dahil mahusay ninyong
naipaliwanag ang mga paksang ibinigay ko sa inyo! Bigyang nyo nga ang mga sarili nyo ng Pawer Clap.
Idadagdag
ko lamang na sa Uri ng Di-bangko ay may malaking pakinabang ito sa ating bansa dahil dito ay
may kakayahan tayo na makapangheram ng ating pangangailangan at nakakatulong
din ito sa mga kasapi na siyang nagpapalago nito. Nauunawaan ba?
|
Opo, Ma’am!
(Unang Grupo)
Ang Konsepto
ng Pera:
Ang salapi ay pera na ginagamit bilang
pamalit sa produkto o serbisyo. Kung nais mong kumain ng tinapay, halimbawa,
mangangailangan ka ng salapi upang mabili ito. Sa gayon, ang pera ay
instrumento na tinatanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng
produkto o serbisyo (medium exchange).
Ang Konsepto
ng Patakarang Pananalapi:
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP). ay nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong
matatag ang ekonomiya, higit sa lahat ang pangkalahatang presyo. Ito ay
bilang katiyakan na ang mamamayan ay patuloy na magkaroon ng kakayahan na
makabili at matugunan ang mga pangangailangan gamit ang kanilang kinita mula
sa pagtatrabaho.
Ang patakarang pananalapi ay isang
sistemang pinaiiral ng BSP upang magkontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad na Expansionary
Money Policy at Contractionary Money Policy.
(Ikalawang grupo)
Pag-Iimpok at
Pamumuhunan
Sa aspeto ng pag-iimpok at pamumuhunan
ayon sa modelo ng paikot na daloy, ang pag-iimpok
ay kitang lumalabas sa ekonomiya. Samantalang ang pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot ng daloy.
Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng
sapat na salapi. Ang paggasta ay kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan,
mga salik ng produksyon at iba pa. Pangkaraniwan na ang mga mamumuhunan ay
gumagamit ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o
sa ibang institusyon sa pananalapi. Ang perang hiniram upang gamiting puhunan
ay karaniwang nagmumula sa inimpok o idineposito sa mga institusyon sa
pananalapi tulad ng bangko o kooperatiba.
(Ikatlong
Grupo)
Mga
Institusyong Bangko
Ito ang mga institusyong tumatanggap ng
salapi mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa
pamamagitan ng interes o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang
depositong nalikom ay ipinauutang sa mga nangangailangan na may kakayahang
magbayad nito sa takdang panahon.
Uri ng mga
Bangko
1. Commercial Banks- Ito ang
malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking capital, ang commercial banks ay
pinapayagang makapagbukas ng mga wala pang mga bangko. Nakapangangalap sila
ng deposito sa higit na maraming tao. Dahil dito, may kakayahan silang
magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa mga mangangalakal o malalaking
negosyante.
2. Thrift
Banks- mga
di- kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na negosyante.
Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay ipinauutang nila,
kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito sa
kanilang mga negosyo.
3. Rural
Banks-
Ang rural banks o mga bangko na kalimitan ay matatagpuan sa mga lalawigang
malayo sa kalakhang Maynila at tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na
negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng
pagpapautang upang ang mga ito ay magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang
kanilang kabuhayan.
4. Specialized
Government Banks
Mga
bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na
layunin ng pamahalaan.
a. Land Bank
of the Philippines (LBP)
Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No.
3844 na sinusundan ng Republic Act No. 7907, layunin ng LBP ang magkaloob ng
pondo sa mga programang pansakahan.
b. Development
Bank of the Philippines (DBP)
Unang
natatag noong 1946 upang matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo
mula sa mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pangunahing layunin ng
DBP ay ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng
agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah
Islamic Investment Bank of the Philippines (Al- Amanah)
Itinatag
sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang
mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
(Ikaapat na
Grupo)
Mga
Institusyong Di-Bangko
Maaring
ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa
mga kasapi, pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng
panahon upang ito ay mapakinabangan.
1.
Kooperatiba-
Ang kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayan layunin. Para maging ganap na
lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative
Development Authority (CDA).
2. Pawnshop o
Bahay- sanglaan- Itinatag ito upang magpautang sa mga taong
madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari-arian tulad
ng alahas at kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit ng salaping
katumbas ng isinangla, kasama na ang interes.
3. Pension
Funds
a. Government
Service Insurance System (GSIS)- Ito ang ahensiyang nagbibigay ng
seguro ( Life Insurance) sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng
gobyerno, local na pamahalaan, mga korporasyon pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga
guro sa mga pampublikong paaralan.
b. Social Security
Service (SSS)- Ang
SSS ay ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng
pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad
ng kaniyang pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro,pagkamatay, at pagdadalang
tao kung ang kawani ay babae.
c.
Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno (PAG-IBIG
Fund)- Ang
Pag-Ibig Fund at itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay. Ang mga empleyado sa pamahalaan
man o pribadong sektor ay kinakailangang maging kasapi rito. Ang mga taong
may sariling negosyo at mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay maaaring
maging boluntaryong kasapi.
4. Registered
Companies-
Ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay yaong mga kompanyang
nakarehistro sa komisyon sa panagot at palitan (Securities and Exchange
Commission o SEC) matapos magsumite ng basic at additional documentary
requirements, at magbayad ng Fling fee.
5. Pre-Need- Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o
establisimyento na rehistro sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya
na mangangalakal o mag alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.
6. Insurance
Companies (Kompanya ng Seguro)
Ang Insurance companies ay mga rehistradong
korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance
Commision) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa pilipinas.
|
D. Paglalapat
Ipanunuod
ang video ng “Usapang pera: Noon at Ngayon”.
1.
Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo pahahalagahan ang pera?
2.
Ano ang kahalagahan ng mga bangko sa pag-unlad ng isang bansa?
E. Paglalahat
SURI-LARAWAN:
Bubuo ng isang
pamagat ang bawat pangkat ayon sa
larawan nakanilang nakikita. Bibigyan ng isang parihabang piraso ng kartolina
ang bawat pangkat at doon isusulat ang
pamagat na kanilang maiisip Ipapaskil sa pisara at iuulat sa klase. Bibigyan ng
limang minuto ang bawat pangkat upang maghanda at tig-dalawang minuto naman
para sa pag-uulat. Pagkatapos ay pipili ng isa(1) sa apat (4) na pamagat na
ipinaskil sa pisara.
IV. Ebalwasyon:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang uri ng bangkong
inilalarawan sa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang.
Hanay A Hanay
B
___1. Dahil sa malaking Kapital, ang mga bangkong
ito ay a. bangkong pagtitipid
nagpapautang
para sa ibang layunin tulad ng b.
Land Bank of the Philippines
pabahay at
iba pa. c.
Bangkong Komersyal
___2. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na d. Development Bank of the
hikayatin
ang mga tao na magtipid at mag-impok. Philippines
___3. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang e. bangkong rural
pangkabuhayan
sa kanayunan. f.
Bangko Sentral ng Pilipinas
___4. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng
pondo ang
programang pansakahan ng pamahalaan.
___5. Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang
sektor ng
agrikultura at industriya, lalo na sa mga
programang
makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya
V. Takdang-
Aralin
Panuto: Suriin at pag-aralan ang pie graph sa
kwaderno matapos ito kwentahin ang kabuuang bilang ng mga uri ng mga
institusyong pinansyal. Gumamit ng pie graph upang madaling matukoy ang bilang
o bahagdan.
Mga
Gabay ng Tanong
1.
Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa pie graph?
2.Ano ang
nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon ng pananalapi?
3 Ano ang naging
batayan sa mga nabuong kongklusyon? Pangatwiran.
Sangguniang
Aklat: Modyul ng Mag-aaral/
Ekonomiks 9 (Araling Panlipunan)
pahina, 318-319
Inihanda ni:
DENICE L.
MATUNAN
BSED 4F- Social Studies
Mga
Tagasuri:
LOVELY
ROSE YAMBAO LEMUEL
DEL ROSARIO
Crtitic Teacher Social
Studies Supervisor
ADORACION DG. ESMERIA MARISSA
D. HERMOGENES
Pang-ulong
Guro III- Araling Panlipunan Punong-
Guro III
------------
Pictures of materials
--------
Final Demonstration
Behind the scene…
--------
Rating scale
of cooperating teacher
------
Teaching demonstration
observation guide-rating scale of observers
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento